Mistulang blockbuster na pelikula ang pila sa huling araw ng voter registration para sa 2022 National at Local elections.
Kabilang sa dinagsa ang registration site sa isang Mall sa Quezon City.
Ganito rin ang naging sitwasyon sa mga Lungsod ng Maynila at Caloocan maging sa mga Lalawigan tulad sa Rizal at Pampanga.
Una nang binanggit ng Commission on Elections na mas marami pang hahabol sa huling araw ng voter registration na kalauna’y inasahan kahapon.
Ayon kay Director Elaiza Sabile-David ng COMELEC Education and Information Department, naabot na ng poll body ang target nilang mahigit 63-M registrants.
Inaasahang madaragdagan ito sa sandaling makumpleto ang lahat ng datos sa huling araw ng registration. —sa panulat ni Drew Nacino