Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful o naging mapayapa ang huling araw ng voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Election na gaganapin sa Disyembre a-5.
Ayon kay PNP Public Information Office chief, P/BGEN. Roderick Alba, walang naitalang malaking aberya ang kanilang ahensya sa iba’t ibang registration sites sa bansa.
Sinabi ni Alba na naging malaking hamon man ang mahabang pila, naging maayos at mapayapa parin ang sistema sa pagpapatala ng mga botante.
Sa pinakahuling datos ng Commission on Elections (Comelec), aabot na sa 2.5 milyon mga botanteng may edad 15 pataas ang nakapagparehistro na matapos ang 17 araw.