Dinagsa ng mga humabol sa huling araw ng paghahain ng Statement of Contribution and Expenditure (SOCE) ang mga tanggapan ng Commission on Elections, kahapon.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, malaki ang bilang mga kumandidato nuong barangay at Sangguniang Kabataan elections ang nagsumite ng kanilang SOCE.
Muling pinaala ni Jimenez na ang mga nanalong kandidato na bigong makapag sumite kahapon ng kanilang SOCE ay hindi iisyuhan ng Certificate of Compliance na kanilang kailangan bago magsimulang manungkulan.
Naninidigan ang COMELEC na hindi na nila palalawigin pa ang petsa para sa paghahain ng SOCE.
Kasabay nito, ibinabala rin ng COMELEC na ang sinomang kandidatong gumastos ng malaki sa kaniyang pangangampaniya ay mahaharap sa reklamong disqualification.