Darating na sa Mayo ang huling batch ng FA-50 Fighter Jets ng Philippine Airforce na inorder mula South Korea mas maaga sa orihinal na target delivery na Setyembre.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman, Brig. Gen. Restituto Padilla, natapos agad ng mas maaga sa target date ng manufacturer na Korean Aerospace Industries ang pag-assemble sa mga aircraft.
Sa susunod na linggo naman darating ang ika-apat na batch habang ang ika-lima ay sa Abril.
Dahil dito, makukumpleto na ng airforce ang 12 FA-50 Golden Eagle na nagkakahalaga ng 18.9 Billion pesos na inorder ng Pilipinas noong 2015.
Plano anyang bumili ng anim na karagdagang fighter jets ng Airforce kung may sapat pang pondo.
By: Drew Nacino