Dumating na sa bansa ang huling batch ng 5 S70i Sikorsky Black Hawk Helicopter na binili ng Pamahalaan para sa Philippine Air Force.
Ayon kay Air Force Spokesperon Lt./Col. Maynard Mariano, lumapag ang Antonov transport plane lulan ang mga bagong Helicopter sa Clark Airbase sa Pampanga kahapon galing ng Poland.
Mula sa kabuuang 16 na biniling Black Hawk fleet ng Air Force, 6 dito ang naideliver noong Nobyembre ng isang taon habang Oktubre a-13 naman napasakamay ang ikalawang batch.
Gagamitin ang mga bagong Helicopters na ito ani Mariano para sa pagpapalakas ng kapabilidad ng AFP partikular na sa Humanitarian Assistance, Disaster Response gayundin sa paghahatid ng mga bakuna kontra COVID-19 sa mga liblib na lugar.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)