Dumating na sa National Printing Office (NPO) ang 11 truck ng ballot printing paper para sa final batch ng mga iimprentang balota.
Alas-5:30 kaninang madaling araw nang dumating ang mga nasabing ballot printing papers sa NPO Compound.
Sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na walang nangyaring delay maliban sa maling pagkakaputol ng ballot paper sa unang bahagi nang paglilimbag ng mga balota.
Kasabay nito, ipinabatid ni Bautista na marami na ring natapos na nalimbag na balota ang nasa warehouse na subalit for verification pa.
By Judith Larino