Nakatakdang gawin bukas ni Senate Committee on Local Government Chairman Bongbong Marcos, ang huling public hearing hinggil sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Marcos, magiging sentro ng pagdinig, ang ilang kontrobersyal na probisyon ng panukalang batas, kasama ang pagbubuwis, pagkokontrol at pangangasiwa sa likas na yaman sa mga sakop na teritoryo ng Bangsamoro.
Sinabi ni Marcos na kanyang tatapusin ang paglikha ng substitute bill habang naka-adjourn ang sesyon, para agad niya itong maihahain sa plenaryo, kapag muling nagsimula ang sesyon sa Hulyo.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)