Napawi ang takot ng daan-daang libong residente makaraang ipagpaliban ng Syrian at Russian forces ang kanilang malaking military offensive sa Idlib Province.
Nagkasundo ang Russia at Turkey na lumikha na lamang ng demilitarised buffer zone sa Idlib na maghihiwalay sa mga tropa ng gobyerno at rebelde.
Ayon kay Russian President Vladimir Putin, may haba at lawak na labinlima hanggang dalawampu’t limang kilometro ang itatayong buffer zone sa Oktubre 15.
Magpa-patrol sa naturang lugar ang mga sundalong Syrian, Russian at Turkish.
Dahil dito, napigilan ang nagbabadyang pagsiklab ng mas malaking digmaan.
—-