Pormal nang isasara ng China ang pinakahuling coal-fired power plant nito para lumipat na sa paggamit ng natural gas.
Ito ang inihayag ni Chinese Primier Li Keqiang sa isinagawang annual legislative sessions sa Beijing na naglalayong malinis muli ang hangin sa nasabing lungsod.
Ayon sa report ng Xinhua News Agency, nasa sampung (10) milyong tonelada ng coal emissions ang mababawas sa pagsasara ng Huangneng Beijing Thermal Power Plant.
Dahil dito, magigng kauna-unahang lungsod sa China ang Beijing na nag-oobliga sa lahat ng planta na gumamit ng natural gas bilang bahagi ng kanilang limang taong clean air action plan.
By Jaymark Dagala