Ibinasura ng Commission on Election (Comelec) 1st division ang huling election 2022 disqualification case laban kay presidential candidate at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “due to lack of merit.”
Ito ay nilagdaan nina Comelec Commissioners Socorro Inting, Aimee Ferolino at Aimee Torrefranca-Neri.
Nabatid na inihain ng Pudno Nga Ilokano (ang totoong ilokano) ang petisyon kung saan naging basehan ang naging paghatol kay Marcos Jr. noong 1995 dahil sa tax-related cases.
Kabilang naman sa petitioners sina Margarita Salonga Salandanan, Crisanto Ducusin Palabay, Mario Flores Ben, Danilo Austria Consumido, Raoul Hafalla Tividad, Nida Mallare Gatchallan, at Nomer Calulot Kuan.
Matatandaang noong Pebrero, ibinasura din ng Comelec division ang disqualification case na inihain laban kay Bongbong sa pamamagitan ng pinagsama-samang petisyon nina Bonifacio Ilagan, Abubakar Mangelen At Akbayan.—sa panulat ni Angelica Doctolero