Muling nagpatutsada si dating World Champion Boxer Oscar de la Hoya kay Floyd Mayweather Junior kaugnay sa huli umano nitong laban.
Nagretiro si Mayweather sa kartadang 49-0 win-loss record nito lamang linggo matapos talunin via unanimous decision si Andre Berto sa Las Vegas, Nevada USA.
Gayunman, sinupalpal ni de la Hoya ang laban sa pagsasabing “napaka-boring” nito kaya’t hindi niya pinanood ang pay-per-view.
Mas mabuti na lamang aniya ay naging masaya ang kanyang gabi dahil sa panonood ng disney movies kasama ang mga anak sa halip na pagtuunan ang “walang ka-kwenta-kwentang bugbugan na walang umuuwing duguan.”
Kumbinsido rin ang “The Golden Boy” na “TBE o Totally Boring Everytime” si Floyd taliwas sa pahayag nito siya ang “the best ever” boxer sa ngayon.
By Drew Nacino