Kinumpirma ni boxing champion Manny Pacquiao na huling laban na niya ang kay Timothy Bradley.
Tiniyak ni Pacquiao na gagawin nyang makasaysayan ang huling pag-apak niya sa lona ng boksing.
Sinabi ni Pacquiao na pumasok siya sa boksing dahil nais niyang makatulong sa kanyang ina at sa kanyang pamilya.
Subalit sa pagtatapos ng kanyang karera sa boksing nais niyang ihandog ang huli niyang laban sa sambayanang Pilipino.
Sa ngayon aniya, prayoridad niya ang makatulong sa kanyang mga kapwa Pilipino.
Sa Abril 10, nakatakda ang laban nina Pacquiao at Bradley.
By Len Aguirre
*Photo and Video Credit: Top Rank Boxing