Nagdesisyon na si 8th Division World Champion Manny Pacquiao na magretiro sa 2016.
Ito ang kinumpirma ni Top Rank CEO Bob Arum matapos ang mahabang pagpupulong nila ng Pambansang Kamao nuong nakaraang linggo sa New York.
Ayon kay Arum, sinabi sa kanya ni Pacquiao na hindi na nito matututukan ang pagboboksing sa oras na manalo sa pagkasenador.
Dahil dito, inanunsyo ni Arum sa Abril 9 ng susunod ng taon ang magiging huling laban ni Pacquiao.
Gayunman, hindi pa malinaw sa ngayon kung saan gaganapin at sino ang huling makakalaban ng Pambansang Kamao.
By: Ralph Obina