Isinagawa sa Kampo Crame ang huling lamay ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera.
Ito kasi umano ang hiling ng pamilya ni Christine para na rin sa kanilang seguridad.
Naging pribado ang huling lamay na Christine kung saan naging limitado lamang ito sa mga malalapit na kaibigan at kaanak ng 23 anyos na flight attendant.
Nakatakda namang dalhin ng pamilya Dacera ang labi ni Christine sa General Santos City.