Nakatakda nang isapubliko ng Top Rank Promotions ang huling makakatunggali sa parisukat na lona ni pambansang kamao Manny Pacquiao sa Abril ng susunod na taon.
Ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, ito ang tiniyak sa kaniya ng adviser ni Pacman na si Michael Koncz.
Na-review na rin ani Arum ni Pacman ang mga videos ng nakalipas na laban nila Timothy Bradley, welterweight contender Amir Khan at welterweight champion Terrence Crawford.
Positibo naman si Arum na isa sa magkaibigan na sina Crawford o Bradley ang mapipili ni Pacman sa kaniyang huling laban.
By Jaymark Dagala