Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ang panukalang batas na naglalayong linawin ang tax rates para sa mga private schools sa bansa.
Sa botong 203-0-0, inaprubahan ng House of Representatives ang House Bill 9913 o ang Act Act Clarifying the Income Taxation of Proprietary Educational Institutions.
Ang nasabing panukala ay layon din mapalawig ang tax relief na ibinigay sa ilalim ng Create Law.
Babawan ng nasabing panukala ang tax rate na 10% ng mga private schools ng 1% mula Hulyo 1, 2020 hanggang Hunyo 30, 2023.
Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, 96% na tax discount ang maibibigay sa mga pribadong paaralan mula 2020 hangang 2023 at 60% naman pagkatapos ng nasabing mga taon. —sa panulat ni Rex Espiritu