Pumanaw na sa edad na 91 ang huling pangulo ng Soviet Union na si Mikhail Gorbachev.
Bagama’t sinisisi si Gorbachev ng mga mamamayan dahil sa pagbagsak ng Soviet government ay siya rin ang itinuturing na nagtapos ng cold war sa mapayapang paraan.
Mababatid na noong ito ay General Secretary ng Soviet Communist Party noong taong 1985 ay nakapag-set out ito ng sistema na nagpakilala ng limitadong political at economic freedoms.
Bunsod ng kaniyang polisiya na “free speech” ay nagkaroon ng pagsulong upang maging independent ang Baltic Republic of Latvia, Lithuania, Estonia at iba pa.
Samantala, hindi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng pagkamatay ni Gorbachev.