Opisyal nang nagpaalam si dating Pangulong Rodrigo Duterte, bilang ika-16 na Presidente ng bansa.
Kasabay ng pagdating ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang para sa turnover ceremony, binigyan ng Departure Honor si Duterte.
Personal na sinalubong ni Duterte si Marcos at ilang minuto munang nag-usap, pasado alas-10 kaninang umaga.
Matapos nito ay dumiretso si PBBM sa National Museum para sa kanyang panunumpa bilang ika-17 Pangulo ng bansa, kaninang alas-12 ng tanghali.