Inilarga ng COMELEC o Commission on Elections at Philippine National Police sa CALABARZON region ang huling round ng ‘Oplan Baklas’ ilang araw bago ang eleksiyon.
Ayon kay CALABARZON Police Spokesperson Lt. Col Chitadel Gaoiran, umabot sa 28, 226 piraso ang mga nakuhang iligal na tarpaulin sa buong rehiyon.
Nakakabit ito sa poste ng kuryente, paaralan, puno at iba pa na hindi kabilang sa itinalagang common poster area ng COMELEC.
Nakatakda namang i –recycle ng ang mga nakumpiskang mga tarpaulin at kahoy.