Ang huling State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Noynoy Aquino ang maituturing na pinaka-panget o worst SONA sa kasaysayan.
Ayon ito kay Dr. Antonio Contreras, isang political analyst.
Sinabi ni Contreras na ayaw niyang maging malupit subalit wala siyang nakitang maganda sa SONA ng Pangulo dahil napakarami nitong nalimutang banggitin.
Kabilang dito ang Freedom on Information Bill, at kabiguan ng Pangulo na pasalamatan man lang ang Special Action Force o SAF 44 gayung kahit ang kanyang hairdresser ay nagawa nyang pasalamatan sa SONA.
Ayon kay Contreras, kung ikukumpara sa ibang mga bansa, napakalayo ng SONA sa Pilipinas, sa pagharap ng Pangulo ng ibang bansa sa pagbubukas ng kanilang kongreso o ng parliament.
Pinuna ni Contreras ang paraan ng pagkakalatag ng SONA na ginawang masyadong madrama.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit