Inaasahang nasa 350 lamang ang dadalo sa huling State Of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa a-26 ng Hulyo.
Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, kasama na sa bilang ng mga bisita ay ang mga senador, kongresista, government official at iba pang VIPs.
Kinumpirma rin Mendoza na dadalo sa SONA si Dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Bukod dito, bubuksan rin ang plenaryo para sa 60 bisita habang ang iba naman ay sa first and second gallery pupwesto kung saan ipatutupad ang 2-seat apart distancing.
Samantala, kinakailangang sumailalim at magsumite ng negative RT-PCR test ang lahat ng mga bisita na papasok sa plenary hall dalawang araw bago ang SONA.
Gayunman, tanging PTV 4 at RTVM lamang ang pahihintulutang makapasok sa Batasan Complex para sa SONA coverage.