Isinusulong ni House Deputy Speaker Michael Romero na payagan ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients na hulugan ang pagbabayad ng kanilang hospital bill dahil sa mahal na presyo ng pagpapagamot.
Layon ng House Bill 9310 o ang “Patak Patak COVID-19 Hospitalization Payment Plan” na bigyan ng 12-buwang palugit ang isang COVID-19 patient para unti-untiin ang bayad sa kaniyang hospital bill.
Ngunit, nilinaw ni Romero na sakop lang ng panukalang ito ang mga pasyenteng hindi pasok sa COVID-19 coverage ng PhilHealth at iba pang subsidiya na ibinibigay ng gobyerno.
Nakasaad din dito na ang sinumang lalabag ay mapapatawan ng P200,000 multa sa bawat reklamo.