Ipinadedeklara ng kamara na “National West Philippine Sea Victory Day” ang Hulyo 12 ng kada taon.
Ito’y sang-ayon sa House Resolution number 1945 na inihain ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na layong ipagdiwang ang tagumpay ng Pilipinas sa sovereign rights nito sa West Philippine Sea.
Mababatid na malinaw sa inilabas na desisyon ng Arbitration Court na sakop ng eez o Exclusive Economic Zone (EEZ) at pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine kabilang na ang ilang bahagi ng Spratly Islands, Panatag Shoal, at Kalayaan Group of Island.
Magugunitang noog Hulyo 12, 2016 nang ibaba naman ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ang kanilang ruling na taliwas sa UNCLOS ang nine-dash line claim ng China sa West Philippine Sea bukod pa dito ay nilalabag din ng China ang obligasyon nito na igalang ang sovereign rights ng Pilipinas sa nasabing teritoryo.