Idineklara ng Malakaniyang ang Hulyo 20, Martes bilang isang regular holiday sa bansa.
Ito’y kasunod ng pagdiriwang ng mga kapatid na muslim ng Eid’l Adha o Feast of sacrifice.
Pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proclamation 1189 na nagtatakda sa nasabing okasyon.
Ang Eid’l Adha ay bahagi ng limang haligi ng Islam na umaalala sa ginawang paghahandog ni Ibrahim kay Allah sa kaniyang anak na si Ishmael.
Dahil dito, obligado ang lahat ng mga Muslim sa buong mundo na magtungo sa banal na lungsod ng Meccah kung saan umano isinagawa ang paghahandog.