Lusot na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Human Rights Defenders Bill.
Sa botong 183 na yes at 0 vote sa no, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 9199 na naglalayong bigyan ng garantiya ang karapatan ng mga human rights defenders.
Itinakda sa panukala ang mandato para sa mga state at public authorities na igalang, protektahan at tugunan at karapatan at kalayaan ng HRD at pagpataw ng karampatang parusa para labanan ang impunity.
Samantala, itinuturing namang makasaysayan ng ilang kongresista ang pagkakapasa ng panukala.
Ikinatuwa nina Bayan Muna Party List Representative Carlos Isagani Zarate at Albay Congressman Edcel Lagman ang pagkakapasa ng HRD matapos ang ilang taong pagsusulong nito.
Sinabi ni Zarate na hindi na maaaring ibalewala ang aniya’y katibayang deteriorating state ng karapatang pantao ngayong tumataas ang bilang ng kaso ng extra judicial killings at harassment sa mga aktibista sa bansa.