Muling nakatikim ng sermon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union (EU), Human Rights Commission at United Nations (UN) dahil sa patuloy na pagbatikos sa kanyang istilo sa paglaban sa kriminalidad at kampanya sa kontra iligal na droga.
Sa kanyang talumpati sa 31st Biennial Convention of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry o FCCCI sa MOA, Pasay, hinamon ng Pangulo ang Human Rights, EU at UN na sagutin kung sino ang magbibigay ng hustisiya sa mga biktima ng mga kriminal at drug personality.
Ayon kay Pangulong Duterte, laging pinoprotektahan lamang ng kanyang mga kritiko ang karapatan ng mga napatay na kriminal at drug personality sa giyera kontra droga pero hindi isinaalang-alang ang karapatan ng mga inosenteng biktima ng karahasan.
Inihayag din ng Pangulo na hindi siya pasisindak sa mga kumukontra sa kanyang giyera kontra iligal na droga dahil ito ay kanyang isusulong hanggang sa huling sandali ng kanyang termino.
PAKINGGAN: Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping