Ipinagtanggol ng human rights coalition na Free Legal Assistance Group o FLAG ang Rome Statute at International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay FLAG National President at De La Salle University College of Law Dean Jose Manuel Diokno, ang ICC ang mekanismo upang ipagtanggol ang mga mamamayan laban sa mga malupit na leader na sangkot sa mga mabigat na kaso tulad ng crimes against humanity.
Ang pagkalas aniya ng Pilipinas sa ICC ay magiging daan upang mabawasan ang karapatan ng mga mamamayan laban sa mga mapang-abusong pinuno sa halip na ipagtanggol.
Dahil sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, magiging mahirap din aniya na papanagutin ang mga government official sa mga kasong crimes against humanity at grave violations ng human rights.
—-