Nagpahayag ng pangamba ang ilang human rights group hinggil sa posibilidad na dumanak muli ang dugo sa pagbabalik ng Philippine National Police o PNP sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon sa mga grupong Human Rights Watch at Amnesty International, tiyak na magbabalik ang gabi-gabing patayan sa mga lansangan sa sandaling muling pangunahan ng pulisya ang naturang kampaniya.
Kasunod nito, muling kinalampag ng mga grupo ang gubyerno na maghanap ng kongkretong solusyon sa problema ng iligal na droga sa halip na gawing madugo ang kampaniya kontra droga.
Kasunod nito, iginiit ng dalawang human rights group na magkaroon ng international investigation ang United Nations o UN hinggil sa mga naitatalang kaso ng EJK o extrajudicial killings sa bansa sa ilalim ng kampanya.
—-