Mariing tinutulan ng human rights group na Karapatan ang pagdedeklara ng Martial Law ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayon sa Karapatan, hindi sagot ang Martial Law para solusyunan ang kasalukuyang sitwasyon sa Marawi City.
Iginiit ng grupo na magreresulta lamang ito sa malawakang paglabag sa karapatang pantao.
Sa ilalim ng Martial Law ay paiigtingin ang operasyon ng militar kabilang ang aerial strikes na maaari anilang ikasawi ng daan-daang sibilyan at maging bukas muli sa extrajudicial killings, iligal na pag-aresto, torture at iba pang uri ng paglabag sa karapatan.
Kasabay nito, nanawagan ang grupong Karapatan sa publiko na maging mapagmatyag sa ilalim ng umiiral na Martial Law sa Mindanao kung saan maaaring malabag ang kanilang political at civil rights.
By Ralph Obina
Human rights group tutol sa deklarasyon ng Martial Law was last modified: May 24th, 2017 by DWIZ 882