Hindi maaabuso ang karapatang pantao ng publiko sa sandaling malagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong na Anti-Terror Bill.
Ito’y makaraang maipasa na ng Kongreso ang nasabing panukala matapos na sertipikahang urgent ni Pangulong Duterte.
Ayon kay PNP spokesman P/BGen. Bernard Banac, kabilang sa kanilang gagawin ang malawakang information and education campaign kasama ang Human Rights Affairs Office (HRAO) ng PNP.
Tiniyak din ni Banac na magiging propesyunal at may disiplina ang kanilang hanay sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Iginiit pa ni Banac na kailangang mabalanse ang karapatan at kaayusan ng bansa lalo’t matindi ring hinaharap ng mga Pilipino ang pandemya sa COVID-19.