Nilinaw ng Malacañang hindi tinalakay ang issue ng mga paglabag sa karapatang pantao sa unang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagbigay linaw lamang si Pangulong Duterte hinggil sa estado ng war on drugs sa Pilipinas.
Hindi rin aniya masyadong nabuksan sa bilateral meeting ang issue ng nuclear threat ng North Korea at pawang mga usapin sa kalakalan ang naging paksa sa pulong nina Duterte at Trump.
Taliwas naman ito sa inihayag ng Press Secretary ni Trump na si Sarah Sanders na sinabing saglit umanong tinalakay ang issue ng human rights sa kauna-unahang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump.
Ayon kay Sanders, nabuksan ang issue nang magbigay-linaw si Pangulong Duterte sa war on drugs ng Pilipinas.
Gayunman, hindi naman na aniya nag-komento si Trump sa kampanya kontra iligal na droga ng Duterte administration.
—-