Tiniyak ng binuong Con-Com o Constitutional Committee na hindi maisasantabi ang pagtataguyod sa karapatang pantao sa bagong saligang batas.
Iyan ang inihayag ni Dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno sa harap ng puna ng mga kritiko na mas titindi umano ang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng bagong konstitusyon.
Ayon kay Puno, wala silang binago sa itinatadhana ng kasalukuyang saligang batas kung human rights ang pag uusapan bagkus ay lalo pa nila itong pinalawak at pinalakas sa ilalim ng mga nilagdaang kasunduan ng Pilipinas sa international community.
Layon aniya nito na mahabol at mapanagot maging ang mga dayuhang lalabag sa karapatang pantao ng mga Pilipino.
Binira rin ni Puno ang mga kritiko ng draft constitution dahil sa napakarami aniyang kasinungalingan ang ipinapakalat ng mga ito.
Kasabay nito, nagpahayag din ng pagsuporta si Puno sa bagong tatag na Partido Federal ng Pilipinas.