Nakatakdang ipresinta ni Senador Alan Peter Cayetano ang human rights record ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council sa Mayo 8 sa Geneva, Switzerland.
Kasama sa Philippine delegation sina Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra at Presidential Human Rights Committee Undersecretary Severo Catura.
Inaasahang idedepensa rin ni Cayetano ang mga naitalang casualties sa “war against drugs” ng administrasyong Duterte.
Ayon pa sa Senador, handa siyang sagutin ang mga tanong patungkol sa death penalty at ang usapin sa pagpapababa ng edad ng criminal liability sa mga menor de edad.
By Meann Tanbio
Human rights record idedepensa ng gobyerno sa UN was last modified: May 3rd, 2017 by DWIZ 882