Mas ligtas na hindi hamak ang situwasyon sa Pilipinas para sa mga mamumuhunan at negosyo sa kasalukuyan kumpara sa mga nakalipas na panahon.
Ito ang binigyang diin ng mga kinatawan ng Pilipinas sa harap ng mga foreign media sa kasagsagan ng World Economic Forum sa Cambodia.
Partikular na tinanong ng mga mamamahayag kung ano ang magiging epekto ng human rights situation sa Pilipinas sa panghihikayat naman nito ng mga mamumuhunan.
Ayon kay Trade Secretary Mon Lopez, maraming survey na ang nagsasabing mahigit 80 porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing mas ligtas sila ngayon.
Kasabay nito, inanyayahan naman ni incoming Foreign Affairs Secretary at Senador Alan Peter Cayetano ang mga mamamahayag na pumunta sa Pilipinas para makita ang tunay na situwasyon.
By: Jaymark Dagala