Binanatan ng Malakanyang ang Human Rights watch kasunod ng pahayag ng grupo na hindi inaaksyunan ng administrasyong Duterte ang mga umano’y pang-aabuso ng pulisya sa gyera kontra droga.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bulag, bingi at wala sa hulog ang Human Rights Watch.
Dapat anyang ipaalala sa grupong ito na sinibak noon sa pwesto ang buong pwersa ng Caloocan police dahil sa mga umanoy pang-aabuso.Inilapat na rin anya sa PDEA ang kapangyarihan ng war on drugs.
Giit pa ni Roque kung may due process ang mga umano’y biktima ng kampanya kontra droga, dapat bigyan din ng due process ang mga otoridad na inaakusahang nang-abuso sa kapangyarihan.