Binatikos ng grupong Human Rights Watch ang Administrasyong Duterte dahil pulitika lang, anila, ang dahilan ng pagsasampa nito ng mga kaso laban kay Senadora Leila de Lima.
Ayon sa naturang grupong nakabase sa New York USA, tila pursigidong gamitin ng gobyerno ang mga korte sa pagparusa sa mga kritiko ng kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga.
Sinabi ni Human Rights Watch Deputy Asia Director Phelim Kine, hindi lamang ang target na libu-libong drug personality ang nanganganib sa kampanya kundi mismong ang mga sistema ng pulitika at criminal justice.
By: Avee Devierte