Nanawagan ang International Group na Human Rights Watch sa United Nations, na imbestigahan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos direktang iugnay ni Edgar Matobato, isang miyembro ng Davao Death Squad, ang Pangulong Duterte sa mga pagpatay noon sa Davao.
Sinabi ni Brad Adams, director ng Human Rights Watch para sa Asia, na mabigat ang binitiwang pahayag ni Matobato at kailangan nang magpatawag ng independet investigation para dito.
By: Katrina Valle