Hindi dapat gawing kundisyon sa pagtanggal sa martial law sa Mindanao ang pagpasa sa Human Security Act.
Iginiit ito ng Makabayan Bloc sa Kongreso na kinabibilangan ng Alliance of Concerned Teachers, Bayan Muna, at Kabataan Partylist.
Ayon kay Kabataan Partylist Representative Sarah Elago, ang pagtanggal sa martial law sa Mindanao kapalit ng pagpasa sa Human Security Act ay isang exchange gift na hindi katanggap-tanggap.
Sinabi ni Elago na hindi lamang mga aktibisita ang puwedeng maging target ng panukala dahil kahit perceived glorification ng terrorism ay maaaring parusahan sa ilalim nito.
Una rito, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na nya irerekomenda ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao at ang mas magandang kasunduan dito ay ipasa ng Kongreso ang amyenda sa Human Security Act.