Inaprubahan na ng China para sa unang stage ng human tests ang dalawang experimental vaccines o bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang isa sa dalawang bakuna kontra COVID-19 ay gawa ng Beijing based na kumpanyang Sinovac Botech.
Habang ang isa naman ay likha ng Wuhan Institute of Biological Products na may kaugnayan sa China National Pharmaceutical Group ng Chinese Government.
Magugunitang nitong Marso, inaprubahan din ng China ang clinical trial sa isang pang bakuna kontra COVID-19 na ginawa naman ng Academy of Military Medical Sciences at Biotech Firm sa Hong Kong na CanSino Bio.