Nanawagan si Senator Raffy Tulfo na itigil na ang anumang uri ng human trafficking sa bansa.
Sa naganap na pagdinig sa Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Investigating, sinabi ni Tulfo na trabaho ng gobyerno na protektahan at ingatan ang buhay ng mga biktima ng human trafficking schemes.
Ayon kay Tulfo isang “fraud factories” o pabrika ng pandaraya ang nangyayari sa South-East Asian countries na target umano ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa kanilang kumpaniya.
Hinikayat din ng senador ang law enforcement agencies at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), na alamin at arestuhin ang mga sindikato o mga sangkot sa human trafficking dahil nilalabag nito ang karapatang pantao ng mga mabibiktima.
Iginiit ni Tulfo na dapat ituring na isang krimen ang mga lumalabag sa human trafficking kaya dapat parusahan ang mga sangkot dito.