Posibleng masimulan na sa buwan ng Pebrero ang human trials para sa pinagsamang bakuna kontra COVID-19 na Sputnik-V at Astrazeneca ayon kay R-pharm Chairman Alexei Repik.
Isasagawa ang naturang trial sa mga bansa gaya ng Azerbaijan, Argentina, Saudi Arabia, UAE, Belarus, Russia at iba pang mga bansa.
Samantala, magugunitang una nang inanusyo ng Astrazeneca ang plano nitong makatuwang ang mga siyentipiko ng Russia sa pinagsamang bakuna sa Disyembre, na sa tingin ng Moscow ay isang tanda ng pagtitiwala sa bakuna.
Ayon naman sa sa pinuno ng Russian the sovereign wealth fund na siyang responsable sa marketing ng Sputnik V sa ibang mga bansa na ang pinagsamang bakuna ay makapagpapataas ng efficacy rate ng bakunang gawa ng Astrazeneca .
Matatandaang 70.4% lamang ang efficacy rate ng Astrazeneca habang 91.4% naman ang sa Sputnik-V na siyang naging dahilan upang maisipan ng mga eksperto ng Russia na ipagsama ang dalawang bakuna. —sa panulat ni Agustina Nolasco