Nagpasalamat naman si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa international community sa patuloy na pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Partikular na tinukoy ni Locsin ang ilang ahensya ng United Nations, international at bilateral partners maging ang civil society organizations at private sector.
Aabot na anya sa 79 million dollars o nasa 4 billion pesos ang natatanggap na cash donations ng Pilipinas mula sa mga international partner bukod pa sa humanitarian aid.
Kabilang sa mga nagpaabot ng tulong ang US, China, Taiwan, South Korea, UAE at Qatar.
Disyembre nang manalasa ang bagyo sa Mindanao, Visayas at ilang bahagi ng Luzon na nagresulta sa pagkamatay ng nasa apatnaraang katao at pagkawasak ng tinatayang 34 billion pesos na halaga ng imprastraktura, pananim at kabahayan.