Asahan na umano ang mabilis na pagbagsak ng Afghanistan matapos mapasakamay muli ng grupong Taliban ang pamamahala sa naturang bansa.
Ayon sa ilang Government official ng Pakistan at Sweden, ay kung hindi agad aaksyon o sasaklolo ang International Community.
Ayon kay Swedish Development Minister per Olsson Fridh, hindi magkakaloob ng Humanitarian Assistance ang kanilang bansa hangga’t mayroong mga teroristang grupo sa Afghanistan.
Iginiit naman ni Pakistani Information Minister Fawad Chaudhry na maaari lamang magamit sa karahasan ang bilyun-bilyong dolyar na ayuda kaya’t dapat i-freeze ang ilang Afghan Overseas Assets.
Maraming bansa at Multilateral Institutions na ang umatras sa pagtulong sa Afghanistan simula noong Agosto lalo’t sa Taliban na idinadaan ang lahat ng Humanitarian At Financial Assistance na para sa milyun-milyong Afghan na naghihirap. —sa panulat ni Drew Nacino