Tuloy pa rin ang Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa kabila ng naunang pagtutol ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Balikatan Spokesman Major Celeste Frank Sayson, tututok sa humanitarian at civil assistance ang magiging aktibidad at hindi na sa military exercises tulad noong mga nakalipas na taon.
Aniya, mas bibigyan ng atensyon ngayon ay ang disaster response at counter terrorism na mas angkop sa kalagayan ng bansa sa ngayon.
Bukod dito ay nakatakda ring magtayo ng mga silid-aralan ang mga sundalong Pilipino at Amerikano sa ilang bahagi ng bansa.
By Rianne Briones
Humanitarian at civil assistance tututukan sa Balikatan was last modified: April 17th, 2017 by DWIZ 882