Tinawag na unrealistic o hindi makatotohanan ng Russia ang apela ng United Nation na month-long humanitarian ceasefire sa Syria.
Kasunod ito ng paglobo ng mga nasawi sa higit dalawang daang (200) katao sa apat (4) na araw na pag-atake sa Eastern Ghouta.
Ayon kay Russian Ambassador Vassily Nebenzia, nais rin nilang makita na magkakaroon ng ceasefire sa nasabing bansa ngunit malabong makipagtulungan dito ang mga terrorista.
Una nang nanawagan ang Amerika at iba pang mga bansa sa mundo na magkaroon ng tigil-putukan sa Syria para matulungan ang mga sibilyang naiipit sa giyera.
—-