Ipinagtanggol ng Malacañang ang shoot-to-kill order ni Pangulong Rodirgo Duterte laban sa mga miyembro ng New People’s Army o NPA.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na batay sa itinatakda ng international humanitarian law, hindi aniya pinagbabawalan ang estado na patayin ang mga armadong kalaban nito dahil banta sila sa seguridad ng bansa.
Binigyang diin pa ni Roque na para lamang sa mga malinaw na kalaban ng estado patungkol ang pahayag ng Pangulo at hindi sa mga sibilyan, humanitarian workers gayundin sa mga relihiyoso na siyang protektado ng batas.
Malaki aniya ang pagkakaiba ng humanitarian law at ng human rights dahil sa ang huli ay tumututol sa pagpatay habang ang una ay pumapayag sa pagpatay sang-ayon sa itinatakda ng batas.
—-