Tutulak na patungo ng Saudi Arabia ang unang batch ng mga opisyal upang magbigay ng agarang tulong sa mga na istranded na Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Ginang Perlita Panganiban ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, mayroon silang team na ide-deploy sa Riyadh, Dammam, Al-Khobar at Jeddah.
Sinabi ni Panganiban na ang agarang tulong na puwede nilang ibigay ay pagkain para sa istranded na OFWs, counselling at pagsuri sa kanilang kalusugan.
May mga kasama rin anya silang mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan na tutulong naman para maipaglaban ang mga hindi naibigay na sahod at benepisyo ng mga OFWs gayundin sa repatriation.
Kasama ng DSWD sa humanitarian mission sa Saudi Arabia ang Department of Health, DOLE, OWWA , TESDA at DFA.
Una rito, libu-libong OFWs ang na-istranded sa Saudi Arabia makaraang magsara ang mga pinapasukan nilang kumpanya.
By Len Aguirre