Ipinagmalaki ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pagkaka-apruba nito sa loob lamang ng mahigit isang buwan ng humigit-kumulang 1,400 permits para sa pagtatayo ng mga telephone companies ng signal towers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay ARTA Director General Atty. Jeremiah Belgica, nakapag-apruba na ang ahensya ng nasa 1,376 permits simula august 11, kasabay ng pag-isyu ng ARTA ng compliance orders sa lahat ng mga Local Government Units (LGU’s).
Pahayag ni Belgica, nakatulong ang compliance order na kanilang pinadala sa mga LGU dahil ni-require nila ang mga ito na magsumite ng report sa loob lamang ng tatlong araw.
Kasunod nito, ipinatawag aniya ng arta ang LGU’s at ang mga telcos, kung saan dito aniya nagkaroon ng kasunduan ang magkabilang panig.
Samantala, aabot pa aniya sa halos 1,300 permits ang nakatakda pang i-iisyu ng mga Local Government Units (LGU’s).