Ibinunyag ni Depratment of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na humigit kumulang 40 hanggang 45 milyong Pilipino ang hindi pa napapabakunahan ng booster shot laban sa COVID-19.
Kabilang sa mabagal na booster uptake ayon kay Vergeire ay ang pagiging kumpiyansa ng ilang indibidwal sa kanilang unang dalawang doses habang ang ilang fully vaccinated naman ay nagpositibo sa COVID-19 at naiisip na maaari nitong mapataas ang kanilang kaligtasan sa sakit.
Isa rin sa mga dahilan ang hindi pagre-require ng booster shot sa trabaho at paaralan, pati na rin ang takot ng karamihan dahil sa maling impormasyon na kumakalat hinggil sa bakuna.
Posible rin aniyang dahilan ang pagpapagaan ng face mask policy sa pagbagal ng booster uptake. – sa panulat ni Hannah Oledan