Edukasyon ang naging sandigan ng isang bagong engineer para makaagapay sa buhay.
Kaya naman ayon kay Engr. Irish Tanada ay labis-labis ang pasasalamat nya, una sa panginoong dios at ikalawa sa SM Foundation Incorporated (SMFI) na tumustos sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
Sinabi ni Engr. Irish na malaking hamon sa kanya at lima pang kapatid na mag pursige sa pag-aaral dahil nakita nila ang hirap ng kanilang magulang para mabigyan sila ng kumportableng buhay.
Magkokolehiyo pa lamang siya nang mapagtanto ng kanyang magulang na hindi na siya kayang pag aralin sa kolehiyo dahil nag retiro na ang kanyang ama ..at ang pensyon nito ay nagagamit na rin sa pagpapagamot sa sakit nito.
Kaya naman, sinabi ni Trish na kailangan nyang humanap ng scholarship para makapagpatuloy sa kolehiyo at sa SMFI sya itinadhana at tuluyang nakamit ang pangarap na makatapos sa kolehiyo.
Sa pamamagitan ng suporta ng kanyang pamilya at ng SM scholarship si Trish ay nakapagtapos sa kursong mechanical engineering bilang Cum Laude sa Cebu Institute of Technology.
Binigyang-diin ni Trish ang malaking pasasalamat sa SM College Scholarship sa kung ano siya ngayon dahil ito ang kanyang naging sandigan para makamit ang kanyang pangarap na magtapos ng pag-aaral.
Sinuwerte rin aniya siyang habang nagre-review para sa board examination ay nakakuha ng trabaho kayat nakatulong din sa kanyang pamilya sa gastusin lalo na sa pang gamot ng kanyang ama.
Subalit dumating ang unos na halos makapagpalumo sa kanya sa buhay ..namatay ang kapatid nyang seminarian at sumunod ang kanyang mga magulang sa gitna ng covid 19 pandemic pero naisip nyang magpakatatag at kumapit sa alaala ng kanyang mga magulang at ang kapangyarihan ng edukasyon na ibinigay sa kanya ng SMFI para lumakas muli ang loob.
Patunay ng kuwento ni Trish, kasama ang 17 pang SM college scholars na bagong mechanical engineers na.
Sa pamamagitan ng SM College Scholarship Program matutupad ang pangarap ng mga kabataang makapag aral at makatapos sa kolehiyo sa kabila ng mga pinansyal na hamon sa buhay.
Ang mga SM scholar alumni na ito ayon sa SM group ay unti-unti nang pinuputol ang kahirapan sa kanilang pamilya bitbit ang abilidad para lampasan ang mga limitasyong kinakaharap sa buhay.
Ang SM group sa pamamagitan ng scholarship program ng SMFI ay nagbibigay sa mga deserving at qualified students ng pagkakataong makapag aral sa kolehiyo gayundin sa technical vocational studies.
Simula 1993, ay nakapag-produce na ang SMFI ng mahigit walong libong college at tech voc scholar graduates sa buong bansa.
Ang marami pang kuwento nang pagpupursige ng scholar graduates gayundin ang mga programa ng SMFI bisitahin ang www.sm-foundation.org o I-follow ang kanilang social media accounts: Facebook, twitter, Instagram at YouTube sa @smfoundationinc.